DZUP 2nd Episode: September 17, 2010
sponsored by: SW 255 - Social Work and Migration
Tropang Sikhay ng SW 255 na naghatid ng mainit na isyu at talakayang may kinalaman sa buhay OFW sa loob at labas ng bansa. (mula sa kanan sa ibaba: Zenaida Beltejar, Finaflor Taylan at Ma. Victoria Hinayon. Nakatayo mula sa kanan: Juline Dulnuan, Ate G at Prop. Yolanda Ealdama) |
Sa naturang talakayan, ipinaliwanag ang kahalagahan ng usaping migration sa mamamayang Pilipino. Inugat ang kasaysayan kung kelan unang naging manlalakbay ang mga Pilipino at paano ito humugis sa kasalukuyang sitwasyon ng mga OFWs. Ilan sa mga napag-usapan ang pagdagsa ng mga Filipino sa Hawaii noong 1906 para maging sakada at makatugon sa pangangailangan ng Hawaiian Sugar Planters Association (HSPA).
Napag-usapan din ang lumalaking bilang ng mga OFWs at lumalalang isyu na may kinalaman sa kakulangan ng polisiya at programang serbisyo para sa OFW at kanilang pamilya. Isa sa mga panauhin ay nagbigay ng kanyang kwentong buhay mula sa paglaki sa isang OFW family, nagka-asawa ng isang seaman na namatay sa serbisyo, hanggang sa napilitin ding maging OFW ng dalawang taon upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya.
Naging tampok din na usapin ng social work and migration ang kabayanihan ni Director Finardo Cabilao na pinaslang habang nasa serbisyo bilang Social Welfare Attache ng Malaysia. Si Finard ay kilala sa kanyang masigasig na paglilingkod upang matugunan ang pangangailangan ng mga naging kakababaihan na naging biktima ng sex trafficking sa Malaysia. Nagpupugay ang programang SIKHAY KILOS DZUP sa kanyang serbisyo publiko.
Para sa mga susunod na linggo, abangan ang pagpapatuloy na talakayan, kasama ang SW 255, sa isyung migration na malapit sa puso ng bawat mamayang Pilipino:
September 24: Bakit Kailangan pang Mangibang Bansa upang Maghanap Buhay?
October 1: Nandian ka na, Ano na?
October 8: Buhay OFW, Lingapin natin
Sikhay Kilos: Kapit-bisig para sa Kaunlaran, Kapit-bisig para sa Kinabukasan!