CSWCD relief operation: packing and sorting of goods, CSWCD compound | (Oct. 6, 2009) |
Monday, September 13, 2010
Alam nyo ba?
Ang Sikhay Kilos-DZUP jingle na hinalaw mula sa pamayanang awitin na “Ako, Ikaw, Tayo ay Isang Pamayanan” ay isinagawa ng mga volunteer students ng CSWCD sa pangunguna ni Prop. Romano Antonio Wamil ng DCD. Ito ay isang simpleng produksyon na isinagawa sa loob ng CSWCD Library, sa tulong ng gitarista at dating CSWCD Library staff na si Elmer Tolentino, bilang paghahanda sa napiling tema ng Kolehiyo para sa CSWCD Pamaskong Programa 2009.
Bagama’t ginamit ito ng CSWCD bilang tampok na awitin para sa tema ng kapaskuhan, nagsimula ang inspirasyon sa awit sa panahon ng Ondoy noong Setyembre 2009. Sa panahong ito, nailunsad ang “CSWCD Timba-timbang Pagsikhay. Sikhay Kilos para sa Pamayanang Apektado ng Bagyong Ondoy” bilang sama-samang pagtugon sa mga pamayanang nasalanta ng Ondoy.
Isinasalarawan ng awiting ito na ang tunay na bayani sa panahon ng Ondoy ay ang mga pamayanang sama-samang nagtulungan upang malampasan ang matinding hagupit ng bagyong kumitil ng maraming buhay at sumira sa kabuhayan ng maraming pamayanan. Malaki ang papel ng sama-samang pagkilos, pagtutulungan at pagkakaisa para sa ikauunlad ng pamayanan lalo na sa mga panahon ng matinding krisis katulad ng sakuna at trahedya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment