Monday, September 13, 2010

SIKHAY KILOS sa Radyo DZUP! Umarangkada Na!

Matagumpay na nailunsad ang pilot episode ng SIKHAY KILOS!” noong tanghali ng Byernes, Setyembre 10, 2010 sa DZUP studio sa U.P. College of Mass Communication.

Para sa unang episode, pinag-usapan ang konsepto ng Sikhay Kilos at bakit ito ang napiling titulo ng CSWCD radio program. Inilahad din ang kasaysayan ng CSWCD at kung paano ito nagbigay ng konkretong kontribusyon sa larangan ng gawaing panlipunan at pagpapaunlad ng pamayanan.

Tampok na panauhin sina Prop. Elmer Ferrer ng DCD at Prop. Yolanda Ealdama ng DSW na nanguna sa pagbabahagi ng iba’t ibang kuro may kinalaman sa kasaysayan, serbisyo at programa ng Kolehiyo. Naki-sikhay din si Prop. Jo Santos ng College of Mass Communication para sumama sa talakayan. Si Ma. Gichelle Cruz ng REDO, ang nagsilbing main anchor na inilunsad din sa programa bilang si “Ate G.”

Sa mga susunod na episode, ang klase ng SW 225 ni Prop. Ealdama, ay maghahatid ng isang buwang diskusyon sa usapin ng Migration sa Pilipinas. Ilan sa mga isyung tatalakayin ay sitwasyon ng migranteng Pilipino sa loob at labas ng bansa, mga polisiya, programa at serbisyong may kinalaman sa paglingap sa migranteng Pilipino.

Mapapakinggan ang DZUP live streaming via web: www.dilc.upd.edu.ph.

DZUP Future Episodes:


Special Topics on Migration:
September 17:  Buhay OFW: Sikhayan Natin
September 24: Bakit Kailangan pang  Mangibang Bansa upang Maghanap Buhay?
October 1:  Nandian ka na, Ano na?
October 8:  Buhay OFW, Lingapin natin

Segment producers: SW 225 class – Prof. Yolanda Ealdama
Students- Mark Anthony Abenir, Zenaida Beltejar, Finaflor Taylan, Amelia Suarez, Juline Dulnuan, Alona Bermejo, and Ma.Victoria Hinayon


SW 225 meeting for Sikhay Kilos DZUP class program on Migration
September 13, 2010

*nagpapasalamat ang CSWCD sa pamunuan ng CMC-Broadcast Dept., DZUP (Edge at mga kasama) at mga estudyante sa CMC (Roni at Jen) para sa tulong at suporta na ibinibigay sa paglunsad ng aming programa sa radyo. Mabuhay kayo! :)

2 comments:

  1. wow! ang galing may blogspot agad.
    congrats to Sikhay Kilos and more insightful episodes ahead!

    promote rin natin ang livestreaming: www.dilc.upd.edu.ph.

    ReplyDelete
  2. thank you edge, naipost ko na sya at naka hyper text link sya sa DZUP :)

    Pwede kami humiram ng pictures na kinunan nyo para ilagay namin dito? thank you! :)

    ReplyDelete